Today I’ll Live Like I Will Die Tomorrow

“May mga masasayang bagay sa ating buhay na hindi nagtatagal. Kahit anong panghahawak ang ating gawin, kung babawiin na sya sa atin, wala na tayong magagawa pa..

Kundi ang pakawalan ito at sa buhay natin ay magpatuloy tayo.”

“That’s how it started.”, I smiled ng makakita ako ng isang babae at lalaki na masayang nagkkwentuhan sa park.

Nawala ang atensyon ko sa kanila ng tumunog ang aking cp.

Si Mika, ang bestfriend ko ang tumatawag.

“Hoy bruha!”, bwelta agad nito pagpindot ko ng answer sa phone.

“Oh bakit bruha?”, ganting tanong ko.

“Sigurado ka? Gusto mong mamasyal tayo ngayon? Ala ka ba sakit?”

Napangiti ako sa tanong niyang iyon.

“Tinotopak lang ako ngayon. Tsaka gusto ko ulit maka-amoy ng mall. Medyo matagal na rin akong di nakakagala.”

Matagal bago ko ulit narinig ang sagot nito.

“Oh sige, teka teka. Mag-prepare lang ako. Hintayin mo ako ha. Wag ka magpapakamatay. Nauso pa naman ang barilan sa SM.”, sabi nito sa seryosong boses kaya natawa na ako.

“Loka ka talaga. Bilisan mo. Pag nagtagal ka ikaw ang babarilin ko.”

Muli kong tiningnan ang magpares pagkatapos ng usapan namin ni Mika.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at nilibot ang buong parke.

Bawat sulok, bawat lugar, bawat laruan ay nagbibigay ng ngiti sa akin.

Naging mahalagang bahagi sa buhay ko ang parke na ito.

Maraming masasayang ala-ala ang kanyang iniwan sa akin sa lugar na ito.

Ang mga bulaklak, ang mga puno sa paligid, sila ang naging mga saksi sa bawat pagngiti at pagtawa ko. At ngayon ay sa aking pagluha.

Nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa parke. Dahan-dahan kong pinunasan ang luha na dumaloy sa aking pisngi.

Paggising ko ng umagang iyon, tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Nakita ko ang isang malungkot na mukha.

Pagkatapos ay tumingin ako sa labas ng bintana.

Masaya ang paligid ko.

Maganda ang sikat ng araw. May mga ibon na lumilipad malapit sa aming punong mangga. Naririnig ko ang masasayang tinig ng mga batang nakagawian ng maglaro tuwing umaga.

Masaya silang lahat. Masigla.

Tumingin ulit ako sa salamin.

Bakit ako? Malungkot?

Nakita ko na lalong sumimangot ang babae sa salamin.

“Lukaret ka talaga Nadine. Bakit ka ba nagmumukmok sa apat na sulok na ‘to. Hindi naman ikaw ang namatay. Bakit mo sinasayang ang buhay mo? Hindi ka dapat ganyan. Dapat magpakasaya ka.”

Pilit na ngumiti ang babae sa harapan ko.

“Yan ganyan nga. You look more pretty when you smile.”

Alam ko mukha akong sira-ulo habang kinakausap ko ang aking sarili kaninang umaga.

But that makes me feel better. At napagpasyahan ko na gumala kasama ang bestfriend ko.

Pagdating sa mall, deretso ako sa Mcdo.

“Isang cokefloat and fries.”, nakangiting order ko. “Take-out.”

Mcfloat & fries.

Bigyan nya lang ako ng ganyan, nawawala na ang galit ko.

Mababaw lang kaligayahan ko, pero nakakatuwa dahil alam na alam nya kung papaano ako pasayahin sa simpleng bagay lang.

Saglit lang ang pinaghintay ko kay Mika. Nakita ko sya na nag-aalalang hinahanap ako.

“Mika!”, tawag ko sa kanya ng tuluyan syang makapasok sa mall.

“Nadine! Oh, wala ka bang galos??”, tanong nito pagkalapit.

“Lukaret ka talaga. Lika na nga.”, hinawakan ko sya sa braso at hinila. ” Let’s have fun!”.

At sisiguraduhin ko na magiging masaya ang araw na ‘to.

# #

“Hindi ka pa ba pagod?”

Napapitlag ako ng marinig ko si Mika. Akala ko kasi ay tulog na ito.

Nasa bahay nila ako, tulad ng madalas kong ginagawa dati nung nag-aaral pa lang kami. Lagi ako nakikitulog sa kanila.

“Hindi pa naman.”, sagot ko sa kanya.

Manood ng sine, kumain, magshopping, maglaro, kumanta, lumabas sa mall, kumain, maglaro, maglakad ng maglakad.

Ang mga yan ang ginawa namin kanina

na talaga namang naging masaya ako. Nakaka-miss ka-bonding si Mika.

Nagsalita ulit ito.

“You’re weird. Ilang linggo ka ng nagmumukmok tapos bigla ka na lang nag-aya. Napapraning tuloy ako kanina.”

Tumawa ako.

“Masama ba magsaya pagkatapos maging malungkot?”

“Pero yung mga ginawa natin kanina, yun yung madalas mong gawin with Daniel.”

Bumangon si Mika at tinabihan ako sa pag-upo.

“Tapatin mo nga ako. May balak ka ba?”

Tiningnan ko si Mika na muntik ko ng ikatawa ng malakas dahil sa sobrang kaseryosohan ng mukha nito.

“Wag mo ko tawanan bruha.”, parang naiinis pang sabi nito.

“Mika, hindi ako suicidal. Ok? Kung magpapakamatay man ako, dapat noon pa.”

Tumahimik naman si Mika. Mukhang nag-iisip pa rin.

“I’ve realized na hindi dapat ako manatiling ganun. Malungkot ako habang ang iba ay masaya. Para bang pinaparusahan ko lang ang sarili ko at sinasayang ang buhay ko.”, paliwanag ko sa kanya.

“At isa pa,” pagpapatuloy ko, “nag-pray ako kagabi na bigyan nya ko ng clear mind to know what’s the right thing to do. I looked myself at the mirror. And i’ve said that it’s not me! Hindi ako yun Mika. Hindi yun ang Nadine na nakilala at minahal ni Daniel. Hindi ganun ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Hindi ginusto ng Diyos na malungkot ako habang buahy. Hindi dapat ako ganun. Dapat nagpapatuloy ako kahit namatayan ako. Dahil ang bawat bukas ay nagbibigay ng bagong pag-asa.”

Nakita kong ngumiti si Mika.

Naramdaman kong pinahid nya ang mga luha ko na hindi ko namalayang lumabas ulit.

“That’s my bestfriend! Strong and beautiful!”

She hugged me tight.

“Rainy season is gone. It’s your time to shine again my dear.”, she said and we both smile.

“Oh pano, tulog na ha. Goodnight best.”

Ngumiti lang ako at tiningnan sya hanggang makatulog ulit.

Saka ko lang ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.

Ang pagsusulat.

Handa na ako. Para sa pagbabago.

# #

Hindi pa gising si Mika ng umalis ako sa bahay nila.

Nagpaalam na lang ako kay tita at kasabay nun ang paghingi ng bulaklak na tanim ng aking kaibigan.

Bulaklak, isang stuff toy na nakuha ko sa machine na nilaro namin ni Mika, at isang sulat.

Yun ang dala ko ng bumaba sa aking sasakyan at naglakad.

Mabagal ang paglalakad ko. Kasingbagal nung una akong pumunta sa lugar na ito.

Ngunit hindi gaya ng dati, hindi ako umiiyak ngayon.

Tumigil ako sa paglakad at huminto sa tapat ng isang puntod.

Maingat kong ibinaba sa tabi nito ang mga dala ko.

“Alam ko na hindi mo naman malalaman ang nilalaman ng sulat na iyan at hindi mo ako naririnig ngayon. Dahil ang patay ay nananatili sa kanilang kalagayan hanggang sa pagdating ng Panginoon. Pero nais ko lang ilabas ang nararamdaman ko kaya ko yan ginawa. Gusto ko lang buhayin muli ang sarili ko na pakiramdam ko ay tumamlay mula ng mawala ka. Salamat at nakilala kita at naging parte ng buhay ko. Paalam.”

# #

“Daniel,

I thought, hindi ko na malalagpasan ang pangungulila ko sayo.

Pero salamat sa Diyos at pinukpok Nya ako. Ipinakita Nya sakin kung gano ako kamiserable. At kung gano kahalagang bagay ang sinasayang ko sa pagmumukmok.

Nakilala kita sa park kung saan hiningi ko ang sign na kung sinuman ang unang lalapit sa akin ay kakaibiganin ko.

At dun nagsimula ang lahat.

At dito naman nagkaroon ng kawakasan.

Malungkot pero kailangan kong tanggapin.

Kanina ay ginawa namin ni Mika ang mga bagay na lagi nating ginagawa. Yun ang paraan para maaliw ko ang sarili ko.

At yun ang paraan para gisingin ko ang sarili ko, at matanggap ko na wala ka na.

Today I’ll live like I will die tomorrow.

Kung ang pagkamatay ng Nadine na nagmamahal sayo ang makakatulong sa akin, gagawin ko.

At bubuhayin ko muli ang Nadine na masaya noong wala ka pa.

Pero hindi kita kakalimutan. Kailanman ay hindi kita malilimutan.

Dahil dati ay nasa ‘yo ang puso ko. Ngunit ngayon, sa akin na sya ulit.

Paalam mahal ko.”

Maingat na tiniklop ni Lester ang sulat na isinalimpad ng hangin at pinulot ng kanyang makulit na pamangkin.

“Nadine..”

Lumingon sya at nakita ang isang babae na dahan-dahang naglalakad palabas at palayo sa malungkot na lugar na iyon.

# # #

02-26-12

09:28pm

a fictional story dedicated to a friend 🙂

Published by Mhey

faith can move everything :)

11 thoughts on “Today I’ll Live Like I Will Die Tomorrow

    1. ahahah,, napagkatuwaan ko lang humanap ng themes.. heheh..
      oks lang naman, busy-busyhan.. kamusta ikaw? hindi na ko nakakapasyal.. 😦

Leave a comment