A Love Letter (Part II)

“Ang hirap pag alam mo ang isang bagay ngunit lumalabas na hindi pa rin sigurado kahit may pruweba na dahil hindi pa sinasabi ng mismong tao ang mga bagay na gusto mong marinig mo.”

Isang tapik at ako ay napapitlag. Kasabay ang pagkarinig sa boses ng isang kaibigan.

“Ano na naman yang iniisip mo na hindi mo ma-arok-arok?”

Ngumiti lang ako at tumingin sa malayo. May hinihintay na dumating.

“Nagtapat na ba sya?”, tanong ni Maggie na umupo sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya. At muling napaisip.

Halos dalawang linggo na rin ang nakararaan ng mapulot ko ang sulat ng pagtatapat ni Ryan. Inaasahan ko na isang araw ay aayain nya ko na mag-usap kami ng sarilinan at personal na sabihin sakin ang mga bagay na iyon imbes na idaan sa sulat.

Ngunit nagkamali ako.

Lumipas ang mga araw, at ang linggo. Walang Ryan na nagtapat.

We remain as “bestfriends”.

I sigh.

“Ang torpedo talaga nun.”, sabi ni Maggie na naintindihan ang pananahimik ko. “Baka naman kasi sinasabihan mo na mas maganda kung friends lang kayo?”

“Loka. Ni hindi nga na-oopen yung topic na yun eh.”, nakasimangot na sabi ko dito.

Lalo pa akong sumimangot ng makita ang itinuro ni Maggie na parating.

Si Ryan, kasama si Kate.

Nakangiti ang mga ito kaya naman nagpaskil ako ng pilit na ngiti.

Isa pang napansin ko ng mga nakaraan ay parang mas naging close ang dalawang ito. Lalo tuloy akong naiinis.

Tumayo na ako at nagpauna sa paglalakad.

Papunta kaming library para magresearch para sa aming group work.

“Uuy… Nahu-hurt sya.”

Bulong sa akin ni Maggie na umagapay sa paglalakad ko.

Inismiran ko sya at patuloy lang sa paglakad na hindi nililingon ang masayang nag-uusap sa likod.

“Baka sila na.”, mahinang tugon ko kay Maj.

“Kaya ka nasasaktan?”, hindi ko na ito sinagot.

* * *

“Kayo na ba ni Kate?”, habang naglalakad kami pauwi ay hindi natiis na tanong ko.

Nagtatakang napatingin sa akin si Ryan.

“Oh.. Wag mo ko tingnan ng ganyan. Iba kasi closeness nyo eh. Naghoholding-hands pa kayo.”

Ilang beses ko na silang nakikitang naghahawak-kamay kahit na may ibang tao sa paligid.

Tumawa lang si Ryan.

“Nagseselos ka ba?”, tanong nya sakin.

“Pano pag sinabi kong oo?”, nilakipan ko ng himig-pagbibiro ang boses ko.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Tumingin ako kay Ryan. Nginitian lang nya ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko na para bang may nais syang ipahiwatig.

Nagkibit-balikat na lang ako at tumahimik hanggang sa makauwi.

* * *

Sulat na itinapon, closeness ni Ryan at ni Kate.

Nagsasalimbayan ang mga ito sa isip ko kaya isang desisyon ang ginawa ko.

“Thea.”

Napalingon ako sa tumawag sa akin habang kausap ko ang aming dean sa paglalakad. Dahil patapos na ang usapan namin ay nagpaalam na ito at hinintay ko naman na makalapit sa akin si Ryan.

“Thea.”, tawag ulit nito ng makalapit. “Bakit ka aalis?”

Kaswal ko syang sinagot.

“Natapos na kasi yung bahay namin malapit sa workplace ni daddy. Gusto nya dun na kami ng mom.”

“Pero di mo naman kailangan magtransfer ng school di ba?”, sabi pa nito.

Ngumiti ako kay Ryan.

“Masyado ng malayo to sa lilipatan namin. Ayaw ng dad ko kasi masyado na ko gagabihin. And besides, i’m planning to shift. Kaya pumayag na rin ako.”, paliwanag ko pa sa kanya.

Tumahimik na si Ryan. Nakatitig lang ito sa akin. Naghihintay naman ako na may sabihin pa sya. Ngunit wala na syang nabanggit.

Dumating ang araw ng aming pag-alis.

Gaya ng inaasahan ay sumama sa bago naming bahay si Maj at si Ryan.

Ngunit hindi ko inasahan na sasama si Kate.

“My goodness. Gusto mo na talagang lumayo samin no??”, eksaheradang tanong ni Maggie. “Sobrang layo naman nito. Ano gusto mo? Ayaw mo na talaga kaming pumunta sa inyo.”

“OA mo Maj.”, natatawang hinampas ko si Maggie. “Pag may time, open naman tong house sa inyo.”

Pero alam ko na bihira na nilang magagawa yun dahil sa kalayuan nga nito at sa kaabalahan sa pag-aaral.

Hanggang sa huling sandali ay ninais ko na magsalita si Ryan o may sabihin man lamang sya sa akin. Ngunit wala akong narinig sa kanya liban na lang sa mag-ingat ako at wag makakalimot.

* * *

“Nami-miss ka na daw ni Ryan.”, sabi ni Maggie na kausap ko sa phone.

“Miss ko na rin sya.”, natatawang sagot ko.

Narinig ko rin ang pagtawa ni Maj sa kabilang linya.

“Ang korni nyo no? Mga bata na naglalaro ng tagu-taguan.”, komento nito. “Bakit kasi di pa kayo umamin?”

Tumigil ako sa pagtawa at tumanaw sa labas. Namataan ko ang kartero na nag-abot ng sulat sa ina ko.

“Darating din yun Maj.”, sabi ko na lang sa kanya. “Sana nga, dumating.”

Lumabas ako ng kwarto at sinalubong sa baba si mama.

Sulat para sayo.”, inabot nito sa akin ang sulat.

Sulat galing kay Kate. Napakunot-noo ako habang binubuksan ko ito.

Simple lang ang nakalagay dito.

“Can we meet?

May mahalagang bagay akong sasabihin sayo.”

Nakalagay sa ibaba ang pangalan ng lugar at oras ng pagkikita.

Ngunit nagtaka ako ng walang makitang pangalan ni Kate sa dulo ng sulat.

Hindi ba ito naglalagay ng name sa letter? Ngunit hindi ko na yun inintindi at isinama sa schedule ang pagkikita namin.

* * *

Sa isang kainan na garden ang setting.

Doon ako madalas dalhin ni Ryan pag bday ko kaya sya agad ang naalala ko ng basahin ko ang sulat at ngayong naka-upo na ako dito.

Napa-aga ang dating ko kaya nililibang ko muna ang sarili sa pakikinig sa magandang tugtugin.

Maya-maya ay nilapitan ako ng isang waiter.

“Ms Thea Rodriguez?“, tanong nito sakin.

Tumango lang ako.

May inabot ito sa aking sulat pagkatapos ay umalis na.

Sa mundong laganap na ang txt at e-mails, parang karaniwan pa rin sa akin ang makatanggap ng sulat. Pangatlo na ito.

Or should I say pangalawa pa lang dahil hindi naman ibinigay sakin ang nauna.

Maingat ko itong binuksan at ng makita ko ang pangalan ko, gaya ng unang sulat na nabasa ko, muli ay kinabahan ako.

Magkahalong emosyon na hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko habang binabasa ko ang liham. Ngunit kaiba sa nauna, habang binabasa ko ang sulat ngayon ay napapaluha ako.

Napatigil ako sa pag-iyak ng may mag-abot sa akin ng panyo.

Si Ryan ang nakita ko.

“I’m sorry.”, sabi nito na umupo sa katabing side ko.

“Bakit ka nagsosorry?”, tanong ko sa kanya.

“Hindi ko alam. But I think I need to say sorry to you.”, sabi nito. “Kate is just a friend. Humingi lang sya ng favor para tantanan na sya ng ex nya. But I told her na mas maganda kung sya na lang mismo ang gumawa nun. Dahil alam ko, may nasasaktan na ko na mahal ko.”

“Sayo yung letter na dumating sa bahay?”, tanong ko na alam ko na rin ang kasagutan. Ginamit lang nito ang pangalan ni Kate.

Ngumiti si Ryan saken.

“Naduduwag pa rin ako na baka tanggihan mo ako.”

“Kaya ba itinapon mo na lang yung sulat mo?”, tanong ko rito. “Naisip ko na nagkamali ka kaya instead na ibigay mo sa akin ang letter, itinapon mo na lang.”

“Natatakot lang ako na baka pagkatapos kong magtapat sayo, bigla mo akong iwanan.”

Tinitigan ko si Ryan. Sa mga mata nya ay nakita ko ang pagmamahal na sinasabi niya sa dalawang sulat na nabasa ko.

Sa pagkakataong ito ay ako ang humawak sa kanyang kamay.

“Ryan,” panimula ko. “Natatandaan ko na tinanong mo ako dati kung sino ang gugustuhin kong maging boyfriend sa mga manliligaw ko.”

Nakatingin lang saken si Ryan habang nagsasalita.

“At sabi ko wala.”, pagpapatuloy ko. “At ng tinanong mo kung bakit. Ang sabi ko, ang gugustuhin ko ay ang tao na magbibigay saken ng love letter. Baduy na sya sa ngayon pero cute pa rin.”

Ngumiti ako kay Ryan na tahimik pa rin.

“Gusto pa rin kita maging bestfriend Ryan. Hanggang sa tumanda na tayo. Pero wala bang kasamang singsing tong sulat mo?”

Unti-unting nagliwang ang mukha nito. At naramdaman ko ang pagganti nito ng hawak sa aking kamay.

“Pasensya na po kamahalan, kulang ang preparasyon ko.”, abot tenga ang ngiti nito.

“Yang ngiting yan ang nami-miss ko.”, sabi ko kay Ryan.

“At ang pambobolang yan ang nami-miss ko.”, natatawa naman nitong sabi sa akin.

Hindi man namin sabihin sa isa’t-isa ang lahat, alam namin na pareho kami ng nararamdaman. At ang mahalaga ay magkasama kami ngayon na hindi nagkaka-ilangan at pareho kaming nakakaramdam ng kasiyahan.

*****

~~~”Thea, nalungkot ako ng umalis ka. At nasabi ko sa sarili ko na gagawa ako ng paraan para magkasama ulit tayo at hindi na muling magkalayo pa.”

# # #

02-19-12

9:00 pm

Not quite good than the first part.

But hope it’ll still be appreciated. πŸ™‚

Part I: A Love Letter

Published by Mhey

faith can move everything :)

17 thoughts on “A Love Letter (Part II)

    1. thanks.. πŸ™‚
      pwede po ba? heheh..
      may mga novels po akong naisulat.. pero sa notebook lang.. πŸ™‚ ang haba kasi..

  1. hello, mhey,

    naibigan ko ito – ” kaya naman nagpaskil ako ng pilit na ngiti.”

    maganda pa rin ito, para sa akin… alam mo naman wari ko, kung alin ang mga parte that could use improvements. yong mas mapaplantsa pa, ahaha. ^^

    marami ka sigurong napapanood at nababasang fiction, ano? tapos, naghahabi ka ng ganang iyo, yong may flavor na sa ‘yo, naman… galing pa rin. πŸ™‚

    1. ahahah.. pilit na ngiti talaga.. :))
      salamat ng marami.. πŸ™‚

      ang pagbabasa ang isa sa mga hilig ko, kahanay ng pagsusulat..
      marami nga ko nababasa at napapanood, somehow nakaka-influence nga yun but at the same time, nagccritic din ako sa kanila ayun sa pananaw ko. πŸ™‚
      I have my own style of writing, ideas, plots, etc, mula pa man nung bata pa ako. Sariling flavor ko gaya ng sabi mo.. ^__^
      Nag-iimprove lang habang tumatanda. LOL

      Salamat ulit sa pagbisita at pag-appreciate.
      Godbless ^__^

Leave a comment